Kasabay ng Flag Raising Ceremony ng Munisipalidad ng Daet noong, Monday, March 27, 2023 ini-launch ang BIDA Program (Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan). Ipinahayag din ni Mayor Benito “B2K” Ochoa ang kanyang suporta sa Drug Demand and Reduction Campaign ng Munisipyo.
Ayon sa kanyang mensahe nanawagan ang alkalde na sama-samang suportahan ang programa upang matugunan ang mga kasong may kaugnayan sa droga. Ayon din sa alkalde na sisikapin sa kanyang pamumuno na kung hindi maalis ay mabawasan ito hanggang sa mawala.
Ang bagong Officer-in-Charge ng Daet na si PLTCOL Bon Billy D. Timuat, binigyang diin niya kung gaano kahalaga ang pagtutulungan at pakikipagtulugan para sa pagiging matagumpay ng programa. Ayon sa kanyang mensahe lahat tayong mamamayan ay may pakialam at may mga papel sa kampanyang ito dahil lahat tayo may magagwa. Siniguro rin niya ang kaayusan at kapayapaan ng munisipalidad bilang bagong OIC ng Daet MPS.
Naganap din ang Zumba BIDA Dance Exercise sa launching ceremony na isinagawa ng iba’t ibang kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan.
Present sa launching sina Vice Mayor Godfrey Parale, PLTCOL Eusebio Arturo E Estopare, Engr. Jerwin A. Novio, Municipal Administrator, Joan Kristine T. De Luna, MLGOO Shiela O. Cada, religious sector representatives at mga Punong Barangays ng Daet.
Bilang patunay sa kanilang pakikiisa sa programa, ang mga kawani ng munisipyo, sa pangunguna ni Mayor Benito Ochoa, mga stakeholders at iba pang sector ay lumagda sa commitment wall at pagbabasa ng unity statements.
Ang BIDA Program ay isang nationwide anti-illegal drugs advocacy program katuwang ang mga local government units (LGUs), national government agencies, at iba pang pangunahing sektor na nakatutok sa drug demand reduction at rehabilitation sa mga komunidad.
Sa ngayon, Daet pa lamang at kauna unahan sa lalawigan ng Camamrines Norte ang matagumpay na nakapaglunsad ng BIDA Program (Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan) isa sa mga flagship campaign ng DILG laban sa droga.
Photo credit: Daet Municipal Information Office




