PAALALA SA MGA MAY PRANGKISA NG TRICYCLE SA BAYAN NG DAET

PAALALA SA MGA MAY PRANGKISA NG TRICYCLE SA BAYAN NG DAET

Nagpaalala si Daet Councilor Shewin Asis sa kanyang Facebook account sa may mga prangkisa ng tricycle ng naturang bayan na bukas, March 31, 2023 ang huling araw ng pagrerenew nito para sa taong kasalukuyan batay sa Tricycle Regulatory Code.

Ayon sa konsehal kung sino man ang hindi makakapag-renew ng kanilang prangkisa sa huling araw na nabanggit ay maaaring bawiin na ito ng Tricycle Regulatory Board.