Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Basud MPS ayon sa koordinasyon sa Siniloan MPS, Laguna sa kanilang ikinasang manhunt charlie opeamration niton Abril 2, 2023 dakong 4:35 ng hapon saSitio Pinait, Inanihan, Brgy. Halayhayin, Siniloan, Laguna.
Ang akusado ay kinilalang si alias Romy, 49 taong gulang,binata, isang laborer at residente ng Brgy. San Jose, Basud, Camarines Norte na kasalukuyang nakatira sa Sitio Pinait, Inanihan, Brgy.
Halayhayin, Siniloan, Laguna.Inaresto si Romy sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal CaseNo. 12841 na ipinalabas ni Judge Designate Leo I. Intia ng RTC Br. 38 Daet, Camarines Norte na may petsang August 4, 2006. Ang naturang kaso ay walang kaakibat na piyansa.
Ayon sa ulat, si Romy ang suspek sa pananaksak na nagresulta sa pagkamatay ng isang lalaking biktima na naganap sa bayan ng Basud noong taong 2003.
Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng mga umarestong otoridad ang nasabing suspek para sa kaukulang disposisyon.
“San mang dako kayo magtago, hinding hindi ninyo matatakasan ang batas. Tutugisin namin kau upang kayo ay madala sa rehas na bakal at pagbayaran ang inyong mga pagkakasala”, ayon kay PMAJ EVA O GUIRUELA.