LALAKI ARESTADO SA KASONG ESTAFA

LALAKI ARESTADO SA KASONG ESTAFA

Sa pinagsanib na pwersa ng traker team ng Daet MPS sa pangunguna ni PCMS Randy A Badong at pakikipagtulungan ng Cam Norte PPT, 2nd District at koordinasyon sa Talisat MPS sa superbisyon ni PLTCOL BON BILLY D TIMUAT, OIC, arestado ang isang lalaki sa bayan ng Daet nitong April 3, 2023 dakong 10:10 ng umaga sa Purok 3, Barangay Itomang, Talisay, Camarines Norte.

Ang nasabing akusado ay kinilalang si alyas “FROI” 42 anyos, walang trabaho, at residente ng Purok 3, Barangay Itomang, Talisay, Camarines Norte. Si FROI ay naaresto sa bisa ng mga warrant of arrest sa kasong ESTAFA sa ilalim ng Criminal Cases No. 14977 na ipinalabas ni Hon. WINSTON S RACOMA, Presiding Judge of Regional Trial Court of Daet, Branch 39, Daet, Camarines Norte na may petsang November 21, 2011 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng P22,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Siya rin ay kabilang sa listahan ng Old E-Warrant Sytem.

Agad namang ipinaalam ang kanilang karapatan bilang akusado at dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa usaping medikal.

Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng Daet MPS ang nasabing akusado upang kaharapin ang kaso laban sa kanya.

“Muli po naming hinihiling ang kooperasyon ng mamamayan ng Daet na makipagtulungan at wag mahihiyang lumapit kung may alam sa mga taong nagtatago sa batas at maaring magpaabot ng inyong mga impormasyon ng personal sa aming mga tauhan at himpilan o sa pamamagitan ng text sa aming hotline number 09985985954 at chat sa aming Facebook Page, Daet MPS CNPPO” at nangangakong magiging confidential ang inyong pagkakakilanlan sa anumang ipaaabot sa amin – PLTCOL BON BILLY D TIMUAT

Source/photo: Daet MPS