GROUND BREAKING CEREMONY PINANGUNAHAN NI CONGRESSWOMAN ROSEMARIE CONEJOS PANOTES SA BAYAN NG MAERCEDES

GROUND BREAKING CEREMONY PINANGUNAHAN NI CONGRESSWOMAN ROSEMARIE CONEJOS PANOTES SA BAYAN NG MAERCEDES

Pinangunahan ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes ang isinagawang ground breaking ceremony sa inasagawang Pagsasaayos ng lansangan sa bahagi ng Brgy. Colasi sa Bayan ng Mercedes Camarines Norte.

Umaabot sa halagang 57.9 million pesos ang nasabing proyekto, isasagawa naman ng DPWH regional office ang naturang kalsada na matagal ng inirereklamo ng mga mamamarangay sa naturang lugar.

Nagpasalamat naman si Kapitan Joel T. Aragona ng Brgy. Colasi kasama ang buong konseho at ang mga mamamayan ng naturang barangay sa agarang tugon ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes sa matagal na nilang hinaing.

Source/Photo: Ricky Pera, MBTV