Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa ay kasado na ang “Lakbay Alalay” Motorist Assistance Team ng kapwa CamNorte DPWH District Engineering Office (1st District) at DPWH CamNorte Sub-District Engineering Office (2nd District) upang umalalay sa mga bumabiyaheng motorista at masiguro ang kaligtasan at maayos na paglalakbay ng publiko sa mga national roads ng lalawigan.
Ito ay isasagawa mula Abril 5 ng tanghali hanggang Abril 10 ng tanghali na gagampanan ng composite team ng DEO kung saan ang lokasyon nito sa 1st District ay sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy.Bautista, Labo; habang sa 2nd District ay sa F. Pimentel Ave., Brgy. 2, Daet ito matatagpuan.


Norj Abarca, Camarines Norte News