Isang lalaking kabilang sa Regional Drug Related Data Integration and Generation System (DRDIGS)at miyembro ng Rey Gutierrez Drug Group ang nasakote ng mga tauhan ng Daet MPS sa pamumuno ni PLTCOL BON BILLY D TIMUAT, Hepe katuwang ang mga operatiba ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU), Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) at PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 5 (PDEG SOU 5) ayon sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 5 (PDEA RO 5) sa kanilang ikinasang buy-bust operation nitong Abril 4, 2023 dakong 1:10 ng hapon sa isang hotel sa Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Mac-Mac”, 28 anyos, binata, at residente ng Purok Guyabano, Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte.
Nakumpiska sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:
a) Isang (1) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu;
b) Isang (1) limang daang (Php 500.00) pisong buong papel (buy-bust money);
c) Isang (1) pekeng isang libong (Php 1,000.00) piso (boodle money);
d) Isang (1) pirasong ng katamtamang laki na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu; at
e) Isang Tictac plastic canister na kulay berde/puti na naglalaman ng Anim (6) na piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu.
Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng nabanggit na barangay at kinatawan ng media. Ang mga nakuhang iligal na droga ay tinatayang nasa humigit kumulang pitong (7) gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa Php 47,600.00. Samantala, Kasong paglabag naman sa Section 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 ang inihahanda na laban sa suspek.

Source/photo: CNPPO PIO