DALAWA KATAO, ARESTADO SA ILIGAL NA SABONG (TUPADA) SA BAYAN NG DAET

DALAWA KATAO, ARESTADO SA ILIGAL NA SABONG (TUPADA) SA BAYAN NG DAET

Huli ang dalawa katao sa bayan ng Daet matapos silang mahuli sa akto habang nagsasagawa ng iligal na sabong na tinatawag na tupada ng mga tauhan ng Daet MPS sa superbisyon ni PLTCOL BON BILLY D TIMUAT, OIC, sa kanilang ikinasang anti-illegal gambling operation nitong Abril 6, 2023 dakong 1:20 ng hapon sa Purok 3, Brgy. Cobangbang, Daet, Camarines Norte.

Ang mga suspek ay kinilalang sina alyas RUD, 69 anyos, may asawa, at residente ng Purok 7, Brgy. San Isidro, Daet, Camarines Norte at si alyas ELO, 55 anyos, may kinakasama, at residente ng Purok 7, Brgy. San Isidro, Daet, Camarines Norte. Ang mga nabanggit na mga suspek ay naaktuhan sa nasabing iligal na gawain habang ang iba pa nitong mga kasama ay agad na nakatakas. Nakumpiska sa mga ito ang dalawang (2) patay na panabong na manok, dalawang (2) tari, at perang pamusta na nagkakahalaga ng Php 320.00.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng nasabing himpilan ang mga naarestong personahe para sa kaukulang disposisyon.

Ang pagkakahuli sa nabanggit na mga suspek ay bunga ng maayos na pakikipag-ugnayan ng pulisya at mamamayan kaya naman pinapurihan ni PLTCOL BON BILLY D TIMUAT ang kanyang mga tauhan sa patuloy na kampanya kontra sa mga iligal na gawain. Dagdag pa niya, hindi titigil na suyurin ang liblib na barangay upang mas paigtingin ang kampanya kontra illegal gambling.

May be an image of 4 people, people standing, outdoors and text

Source/photo: Daet- MPS