π—–π—’π—‘π—šπ—ͺ. π—π—’π—¦π—œπ—˜ π—•π—”π—‘π—œπ—‘π—š π—§π—”π—Ÿπ—Ÿπ—”π——π—’, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—›π—”π—§π—œπ—— π—¦π—˜π—₯π—•π—œπ—¦π—¬π—’ π—•π—”π—šπ—”π— π—”π—§ π—›π—’π—Ÿπ—œπ——π—”π—¬; 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗑𝗔𝗬 𝗑𝗔 𝗠𝗔𝗬 π—šπ—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š 𝗣π—₯π—’π—¬π—˜π—žπ—§π—’ π— π—”π—žπ—œπ—žπ—œπ—§π—” 𝗦𝗔 π—£π—Ÿπ—”π—₯π—œπ——π—˜π—Ÿ, 𝗦𝗧𝗔. π—˜π—Ÿπ—˜π—‘π—”

Camarines Norte – Hindi hadlang ang holiday season at patuloy ang pagtratrabaho ni Congresswoman Josie Baning Tallado upang makapaghatid ng mga proyektong pang-imprastraktura sa sakop nitong barangay sa Unang Distrito.

Umaga ng Abril 10, 2023 (Lunes), pinangunahan ng Kongresista ang Groundbreaking Ceremony para sa konstruksyon ng 2-Storey Building Multi-Purpose Building na matatagpuan sa Barangay Plaridel, sakop ng bayan ng Sta. Elena katuwang ang Department of Public Works and Highways-Engineering Department sa pangangasiwa ni Engr. III Romeo B. Mesoga.

Ayon kay PB Arsenio Zamora, isang patunay na may proyektong itinatayo at tiyak malaking ang magiging tulong nito para sa kanilang lugar, isang bagong pasilidad na kanilang magagamit bilang evacuation center sa panahon ng kalamidad.

Ayon pa sa kanya, may tapos na ring konkretong kalsada na matatagpuan sa Purok 4 mula sa pondong inilaan ni Congw. Tallado na halagang Php10 Milyon na sa kasalukuyan ay kanila na ring pinapakinabangan.

“Ramdam namin ang programang #AlagangNayJosie sa aming barangay, hindi kami pinapabayaan at maraming proyekto at serbisyong hatid ang talaga namang pinapakinabangan mula sa tulong ni Congw. Tallado”, pahayag ni PB Zamora.

Ang presensya at suporta rin ng buong konseho ng barangay at nina Sta. Elena Municipal Councilors Ricardo Bueno at Tomas Sargento ay makikita bilang mga buhay na saksi at nagpapatunay sa mga ginagawang pagtulong ni Congw. Tallado lalo na sa mga barangay sakop ng naturang bayan.

Nagkakahalagang Php5,000,000 ang pondong inilaan sa nasabing proyekto na mula sa GAA Fund 2023 at tinatayang matatapos ito higit 3 buwan na may laking 12x7meters at may additional 20sqm para sa ilalagay na kitchen and pantry.

Source/photo: Rep. Josie Baning Tallado Camarines Norte