Sa isinagawang news briefing ng mga kawani ng media sa Camarines Norte ay inamin ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes na tuloy lang ang kanyang panunungkulan bilang congresista sa Ikalawang Distrito hanggang sa siya ay makatapos ng kanyang 3 termino, ito ang kanyang paglilinaw sa kumakalat na Balita na diumano siya ay bababa ng posisyon at tatakbo na bilang alkalde ng Bayan ng Daet, sinabi rin niya na ito ay bahagi ng kanyang pangako sa kanyang ina na si Congresswoman Ate Toots Panotes na ipagpatuloy ang sinumulang paglilingkod simula sa kanyang ama.
Ayon pa Kay Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes na siya ay tahimik lamang at di siya mahilig magpamedia para lang makita ang kanyang ginagawa para sa Ikalawang Distrito ng ating lalawigan.
Ninanais niyang mas maramdaman ng ating mga kababayan ang kanyang mga ginagawa para sa ating probinsya.


Source/photo: MBTV NEWS, CAMARINES NORTE