Arestado ang isang lalaking nakatala bilang 4 Municipal Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder dakong 7:00 ng umaga, Abril 11, 2023 sa Purok-3, Barangay Catioan, Capalonga, Camarines Norte.
Inaresto ng mga kapulisan ng Capalonga MPS, PTT 1st District, CNPIU at 2nd CNPMFC sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ RODOLFO F TUMBAGA, COP ang suspek na kinilala sa alyas na “Mang Boy”, may asawa, 63 taong gulang, magsasaka at residente ng nasabing lugar, Inihain sa akusado ang warrant of arrest para sa krimeng Frustrated Murder sa ilalim ng criminal case no 23-4510 na ipinalabas ni Hon. Judge Leo Lumabad Intia, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte noong Marso 17, 2023. Ang nasabing kaso ay may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php 200,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
“Ang Camarines Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL ANTONIO C BILON JR. ay patuloy na tutugis sa mga nagtatago sa batas. Ang sinumang nagkasala sa batas ay nararapat na magbayad.”-PCOL BILON.
Source/photo: CNPPO PIO