π—–π—’π—©π—˜π—₯π—˜π—— 𝗖𝗒𝗨π—₯𝗧 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ 𝗑𝗔 𝗠𝗔𝗬 π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—”π—‘π—š π—£π—΅π—½πŸ± π— π—œπ—Ÿπ—¬π—’π—‘, π—œπ—§π—”π—§π—”π—¬π—’ 𝗦𝗔 π—‘π—˜π—–π—œπ—’ π—’π—Ÿπ—œπ—Ÿπ—” π—˜π—¦ π—¦π—”π—žπ—’π—£ π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—¨π—•π—”π—‘π—š, π—–π—”π—£π—”π—Ÿπ—’π—‘π—šπ—”

Camarines Norte – Tinatayang may lawak na 13.5×24 meters ang nakatakdang itayo na bagong Covered Court sa Necio Olila Elementary School sakop ng barangay Ubang, Capalonga matapos mapaglaanan ni Congw. Josie Baning Tallado ng pondong Php5,000,000 na nagmula sa Local Infrastructure Program sa ilalim ng General Appropriations Act Fund 2023.

Sa isinagawang pagbiyak ng bato at paglagay ng kapsula sa naturang proyekto sa pangunguna ng Ina ng Unang Distrito, walang mapagsidlang kasiyahan ang naramdaman ni Marilou E. Barrameda, Master Teacher/Teacher -In Charge, dahil sa binigyan ng aksyon ang kanilang kahilingan mula sa ipinasa nilang resolusyon nitong nakalipas na Enero 26, 2022.

Magkamasamang nagdiwang ang mga Guro, estudyante, mga magulang kasama ang mga Sangguniang Bayan Members ng Capalonga sa programang isinagawa. Batid ng mga guro at magulang ang kahalagahan ng proyekto ni Congw. Tallado na Covered Court na magsisilbing ekstensyon ng kanilang paaralan sa aspeto ng sports at iba’t ibang aktibidades na may kinalaman sa paglilinang ng kaalaman.

Patuloy ang hangarin at pangarap ng #AlagangNayJosie na makapagpatayo ng mga pasilidad na magagamit ng ating mga mag-aaral dahil sa malapit sa puso nito ang mga paaralang kanyang nasasakupan.

Source/photo: Rep. Josie Baning Tallado Camarines Norte