12 WANTED PERSON, HULI SA MAGKAKAHIWALAY NA PAGSASAGAWA NG SACLEO

12 WANTED PERSON, HULI SA MAGKAKAHIWALAY NA PAGSASAGAWA NG SACLEO

Sa rehas na bakal ang kinahantungan ng nasa 12-katao matapos na maaresto ang mga ito sa ikinasang manhunt charlie at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga kapulisan para sa mga taong may mga kaso at nagtatago sa batas lalo na ang mga most wanted person sa magkakahiwalay na bayan sa probinsya mula Abril 5 – 10, 2023.

Capalonga, Camarines Norte-Isang 50-anyos na lalaki na nakatala bilang Regional Most Wanted Person sa Rehiyong Bikol ang nasakote ng mga kapulisan dakong 5:55 ng gabi nitong Abril 7, 2023 sa Purok-1, EMS Barrio, Brgy Mayapa, Calamba, Laguna para sa kasong three (3) counts of RAPE in relation to R.A 7610.

Daet, Camarines Norte- Nitong Abril 10, 2023 dakong 12:15 ng tanghali naman naaresto ang isang 32-anyos na lalaki para sa kasong Rape sa Purok 5, Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte.

Jose Panganiban, Camarines Norte -Inaresto naman ng otoridad ang isang 43-anyos na minero lalaking may kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries (Failure to attend hearing dated December 18, 2012) nitong Abril 9, 2023 bandang alas 9:50 ng umaga sa P-5 Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Labo, Camarines Norte-Nalambat ng mga kapulisan sa kanilang ikinasang manhunt Charlie operation nitong Abril 10, 2023 dakong 9:35 ng hapon ang isang 48-anyos na lalaki na may kasong Frustrated Qualified Theft sa Purok-4, Brgy. Baustista, Labo, Camarines Norte.

Mercedes, Camarines Norte- Tatlo (3) katao naman ang naaresto ng mg otoridad sa kanilang ikinasang SACLEO sa bayan ng Mercedes. Kabilang sa mga naaresto ang isang 30-anyos na construction worker para sa kasong Slight Physical Injury, 50-anyos na mangingisda para sa kasong Attempted Homicide at isang 44-anyos na construction worker para sa kasong Violation of P.D. 449 in relation to P.D. 1602.

Paracale, Camarines Norte- Dalawang (2) personahe na may kaso ang nasakote ng mga kapulisan sa bayan ng Paracale nitong Abril 5, 2023 at Abril 8, 2023 para sa mga kasong Violation of Sec. 5(i) of RA 9262 at Violation of PD 449.

San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte-Isa namang 28-anyos na magsasaka na nakatala bilang Rank No 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng San Lorenzo Ruiz ang nalambat ng kapulisan sa kanilang ikinasang manhunt charlie operation dakong 7:45 ng umaga ng April 6, 2023 para sa kasong Murder.

Vinzons, Camarines Norte-Dalawa (2) katao rin ang naaresto ng mga otoridad sa kanilang manhunt charlie operation kung saan ang isa rito ay naaresto sa Sitio Makatoy, Purok 2, Barangay Sta Maria, Calaguag Quezon noong Abril 5, 2023 para sa aksong Violation of Sec 5 and 11, Art II of RA 9165 at ang isa naman ay naaresto sa P-3, Brgy.Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte para naman sa kasong Frustrated Homicide.

Ang mga nabanggit na personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng mga umarestong himpilan para sa kaukulang disposisyon.

Muling nagpaalala si PCOL ANTONIO C BILON, JR sa mga taong may kinakaharap na kaso lalo na yaong nagtatago sa batas na sumuko na sa pinakamalapit na himpilan upang mapagbayaran ang kanilang mga pagkakasala. “Saan mang dako ng bansa kayo magtago ay susuyurin at hahanapin namin kayo para mapagbayaran ninyo ang inyong mga pagkakasala sa batas at mabigyan rin ng hustisya ang inyong mga naging biktima”. Nagpasalamat rin si PCOL BILON sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbibigay ng impormasyon sa otoridad upang mahanap ang mga wanted persons ng probinsiya at mahuli ang mga gumagawa ng iligal na gawain na susi sa isang tahimik at mapayapang pamayanan.

Source/photo: CNPPO PIO

May be an image of text that says 'ACCOMPLISHMENT BY THE NUMBERS (SACLEO) ON WANTED PERSONS (April 5- 10, 2023) OPERATIONS CONDUCTED ARREST OF WANTED PERSON 12 TOTAL OPERATIONS CONDUCTED CAMARINES NORTE 10 TOTAL ARRESTED PRO5 KASUROG POLICEPROVINCIALOFFICE ARRESTS KASIMBAYANAN ONG 1 alglasen ULONG NYO, 1 RMWP MMWP Readiness aspects policing. Opportunity for everyone shine. Discipline in the ranks. #LifeisBeautiful #KaligtasanNyoSagotKo #TulongTulongTayo #MKKequalsK @camarinesnortepnp @pulisbantayogCN ( #PNPKakampiNyo 0998-5663611'