136K NA HALAGA NG PINAGHIHINALAANG SHABU NAREKOBER SA ISINAGAWANG DRUG BUYBUST OPERATION SA ISANG DRUG DEN, APAT NA KATAO ARESTADO

136K NA HALAGA NG PINAGHIHINALAANG SHABU NAREKOBER SA ISINAGAWANG DRUG BUYBUST OPERATION SA ISANG DRUG DEN, APAT NA KATAO ARESTADO

Dakong 12:40 ng tanghali nitong Abril 16, 2023 nang magsagawa ng operasyon kontra iligal na droga ang mga operatiba ng Paracale MPS, PDEA Camarines Norte (Lead Unit) at CNPPO-PIU na nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den at pagkakaaresto ng apat (4) na katao sa Purok 7, Brgy Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte. Dalawa sa mga naaresto ay ang target ng operasyon na sina alyas “Dan”, 52 anyos, may kinakasama, isang minero at si alyas “Ana”, 39 anyos, may kinakasama, walang trabaho at parehong residente ng Purok 7A, Brgy. Bagumbayan, Paracale na kapwa maintainer of drug den.

Samantala, kasama rin sa naaresto ang dalawang parokyano ng mga ito na kinilalang sina alyas “PJ”, 27 anyos, may kinakasama, walang trabaho at residente ng Purok 8, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte at si alyas “Jojo”, 40 anyos, may kinakasama, isang minero at residente rin Purok 7A, Brgy. Bagumbayan, Paracale. Huli sa akto ng pagbibenta ng pinaghihinalaang iligal na droga ang dalawa sa mga suspek matapos na makabili ang operatiba na umaktong poseur buyer ng isang (1) pakete ng shabu na may timbang na umaabot sa 0.8 gramo. Hudyat ito ng pagkakaaresto sa dalawa at sa dalawang tagapangasiwa ng drug den kung saan narekober pa ang nasa 10 piraso ng plastik na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na nasa 20 gramo, ilang piraso ng aluminum foil, 4 disposable lighter at isang PhP500.00 na may serial na EZ257003 at kasama nitong 3 piraso ng Php500.00 boodle money. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay tinatayang umaabot sa halagang Php 136,000.00.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmarka ng mga ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng halal na opisyal ng barangay at kinatawan ng media.

Dinala ang mga naarestong suspek sa RHU-Paracale para sa usaping medikal bago dinala sa himpilan ng Paracale MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago i-turn over sa PDEA Camarines Norte.

Mga kaso para sa paglabag sa Section 5, 6, 7, 11 at 12, Article II ng RA 9165 ang inihahanda na ng PDEA at Paracale MPS para sa paghain sa korte sa pamamagitan ng inquest proceedings laban sa mga ito.

“Isa na namang matagumpay na operasyon kontra iligal na droga ang naisakatuparan na nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den. Tayo po ay makialam sa ating kapaligiran at ating alamin ang mga kahina-hinalang kilos ng mga tao sa ating komunidad lalo na ang mga bagong mukha at may kahina-hinalang kilos o gawain. Ireport kaagad sa aming himpilan at sama-sama tayong proteksyunan ang bawat isa laban sa iligal na droga na numero uno nating kalaban”. – PMAJ MANUEL.

Source/photo: Paracale MPS