Isang lalaki ang natiklo ng mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS katuwang ang mga operatiba ng Provincial Tracker Team (PTT) sa pangkalahatang pangangasiwa ni PMAJ DIANA R DE VERA, Hepe ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV sa ikinasang search warrant operation dakong alas 4:45 ng hapon nitong Abril 17, 2023 sa Purok 1, Barangay Daculang Bolo, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alyas DELO, 25 anyos, binata, at residente ng nabanggit na lugar. Naaresto ang suspek matapos na silbihan ng search warrant na inisyo ni Honorable Judge Evan D Dizon, Executive Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang April 14, 2023. Sa isinagawang paghahalughog ng kapulisan ay nakuha sa pagmamay-ari ng suspek ang Isang (1) piraso ng maliit na karton na kulay brown na naglalaman ng tatlong (3) piraso ng maliliit na plastik na pakete ng hinihinalang shabu.
Ang nasabing iligal na droga ay at tumitimbang ng humigit kumulang 0.0100 gramo na umaabot sa halagang Php1,500.00. Ang nabanggit na operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng mga opisyales ng nasabing barangay at kinatawan ng media.
Samantala, ang mga ebidensya at ang nabanggit na suspek ay nasa kostudiya na ng San Lorenzo Ruiz MPS para sa kaukulang disposisyon at paghahanda ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa nabanggit na personahe.
“Ang mga operasyong isinasagawa ng mga kapulisan sa bayan ng San Lorenzo Ruiz ay walang humpay at magpapatuloy upang mapigilan ang pagkalat ng iligal na droga at huwag ng makapaminsala pa. Asahan ng lahat na patuloy na gagampanan namin ang aming mga tungkulin na protektahan ang bawat mamamayan at ating bayan laban sa anumang banta ng panganib.” –PMAJ DE VERA.
Source: CNPPO PIO