LALAKING NAKATALA BILANG RANK 3 MUNICIPAL MOST WANTED SA BAYAN NG STA. ELENA, ARESTADO

LALAKING NAKATALA BILANG RANK 3 MUNICIPAL MOST WANTED SA BAYAN NG STA. ELENA, ARESTADO

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Sta. Elena Municipal Police Station (lead unit) at Del Gallego MPS ang isang lalaking may kaso at nakatala bilang Rank 3 Municipal Most Wanted Person sa Bayan ng Sta. Elena nitong April 23, 2023 dakong 4:10 ng hapon sa Sitio San Rafael, Brgy. Sabang, Del Gallego, Camarines Sur.

Ang akusado ay kinilalang si alias “PHILIP”, 45 anyos, may kinakasama at residente sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte. Inaresto si Philip sa bisa ng isang warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape under Article 266-A ng RPC sa ilalim ng Criminal Case No. 22-4454 na ipinalabas ni Hon. Leo Lumabad Intia, Acting Presiding Judge, ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 64, Labo, Camarines Norte noong December 12, 2022.ang naturang kaso ay walang rekomendadong piyansa.

Ayon sa ulat, pinagsamantalahan diumano ng akusado ang kanyang sariling anak noong taong 2022 sa bayan ng Sta Elena.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon.

“Hinihikayat ng Sta. Elena MPS ang taumbayan na makiisa sa layunin na gawing mapayapa ang bayan ng Sta. Elena sa pamamagitan ng pagsugpo sa kriminalidad at anumang ilegal na gawain. Kung kaya’t huwag po tayong mag-atubiling magbigay ng impormasyon tungkol sa mga taong pinaghahanap ng batas upang panagutin sa mga kasong naisampa laban sa kanila sa korte.” – PCPT FLORES.

Source/photo: CNPPO PIO

May be an image of 2 people