Araw ng sabado, June 17, 2023 ng magsagawa ng inspection sa ilang bayan sa ikalawang distrito ang mga kawani ng DPWH kasama si Congresswoman Rosmarie Conejos Panotes.
Nagsagawa rin ng Ground breaking ceremony ang kongresista sa mga proyektong pagsasaayos ng mga kalsada sa bahagi ng Brgy. Poblacion at Brgy. Mocong sa bayan ng Basud, Camarines Norte. Ito ay bahagi ng isinasagawang road widining ng DPWH. Matatandaan na ang naturang kalasada ay bahagi na ng national highway sa pamamagitan ng isinulong na bill ng batang congresswoman ng ikalawang distrito.
Nagkaroon din ng pagbisita sa isinasagawng river control sa bahagi naman ng Brgy. Mampili sa naturang ding bayan na aabot naman sa Brgy. Mambaalite sa bayan naman ng Daet, Camarines Norte.
Samantala nagkaroon din ng Ground breaking ceremony sa Brgy. Borabod sa bayan g Daet, para sa pagpapalawak ng kalsada simula sa Brgy. Borabod hanggang sa Brgy. Awitan sa bayan pa rin ng Daet.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga barangay officials ng mga lugar na binisita ni Congresswoman Rosmarie Conejos Panotes.




