Kulungan ang sinapit ng mga indibidwal na naaresto at nasakote sa mga ikinasang manhunt charlie at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga kapulisan sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte mula Hunyo 19-25, 2023.
WANTED PERSON- 21 akusado sa iba’t-ibang krimen kabilang ang isang Municipal Most Wanted Person ang naaresto ng mga otoridad sa ikinasang manhunt charlie operation kung saan labing dalawa (12) sa mga ito ay nalambat ng mga tauhan ng Mercedes PNP, isang (1) Municipal Most Wanted Person ng Basud MPS, samantala tig iisa (1) namang wanted person ang naaresto ng mga sumusunod na himpilan: Capalonga, Daet, Jose Panganiban, Labo, Paracale, Sta.Elena, Talisay at Vinzons.
ILLEGAL DRUGS- Para sa operasyon kontra iligal na droga naman ay nakapagsagawa ang kapulisan ng 6 na operasyon na nakapagaresto ng 9 na indibidwal. Apat (4) rito ay buy-bust operation na ikinasa ng mga kapulisan ng Basud, Labo, Mercedes at Paracale MPS. Dalawa (2) naman ang search warrant operation ng Jose Panganiban MPS. Nakumpiska naman ang nasa tinatayang 19.921 gramo ng iligal na droga kung saan 18.05 gramo dito ang hinihinalang shabu at 1.869 gramo naman ang marijuana, na may humigit kumulang Php 123,300 na halaga ng kabuuang iligal na droga.
ILLEGAL GAMBLING- 13 na indibidwal naman ang matagumpay na naaresto sa 5 operasyong ikinasa kontra iligal na sugal. 4 katao ang naaresto sa bayan ng Daet at 2 naman sa San Lorenzo Ruiz, 3 katao naman ang naaresto sa bayan ng Jose Panganiban at 3 naman sa bayan ng Vinzons para sa tong-its at 1 naman ang naaresto sa bayan ng Vinzons para sa iligal na tupada. Nakumpiska naman ang nasa Php 5,252.00 bet money mula sa mga naarestong suspek.
ILLEGAL POSSESION OF FIREARMS- 3 operasyon rin ang naisakatuparan para sa paglabag ng RA 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, kung saan 2 katao ang nadala sa rehas na bakal matapos itong maaresto ng otoridad. Isa rito sa bayan ng Daet kung saan nadakma ang isang 29-anyos na binata sa isang buy-bust operasyon at nakumpiska ang isang (1) piraso ng kalibre 45 na may trademark COLT. Isa naman sa bayan ng Basud kung saan naaresto ang isang 35-anyos na lalaki at nakumpiska ang (1) isang kalibre 38 rebolber na walang trademark sa kanilang ikinasang search warrant operation.
Pinapurihan ni PCOL ANTONIO C BILON, JR ang mga kapulisan sa kanilang walang humpay na dedikasyon, determinasyon at pagpupursigeng mahuli ang mga wanted persons at gumagawa ng mga iligal na gawain sa probinsiya. “Magtulungan tayo na mapanatiling tahimik at payapa ang ating minamahal na lalawigan, anu mang impormasyong inyong nalalaman tungkol sa mga taong nagtatago sa batas at mga iligal na gawain sa inyong lugar ay agad na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang agarang maaksyunan at matugunan ng inyong kapulisan dahil ito ang susi sa isang maayos, matiwasay at maunlad na pamayanan.”-PCOL BILON JR.





Source/photo: CNPPO PIO