LALAKING DATING MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST GROUP (CTG), KUSANG LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN

LALAKING DATING MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST GROUP (CTG), KUSANG LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN

Nito lamang Hunyo 27, 2023 dakong ala 1:00 ng hapon, isang lalaking dating miyembro at kasapi ng New People’s Army (Sangay ng Partido sa Lokalidad) ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

Ang nasabing personahe ay kinilalang si alias BOYET, (Non Periodic Status Report), 50 taong gulang, may asawa at residente sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Ang nabanggit na personahe ay dating kasapi at miyembro ng grupo ni Jaime Velasco @Cenen/Sineng/Sinen/Steve/Kier/ at Ka Silca ng Alfredo Nupat Command ng Southern Tagalog  Regional Party Committee (STRPC) na siyang nag-ooperate sa mga barangay ng Dumagmang, Malaya at Pag-asa, sa bayan ng Labo at itinalaga siya bilang Sangay ng Partido Lokal. Siya rin ay dating full time member ng NPA ng mahigit 15 taon. Isinuko ni BOYET ang kanyang armas na isang (1) Improvised shotgun at Isang (1) piraso ng rifle grenade.

Ayon sa ulat, boluntaryong sumuko ang nabanggit na personahe dahil sa pinaigting na pagsisikap ng CN 2nd PMFC (lead unit) kasama ang CNPPO PIU,  C Coy 9th IB, AFP at Labo MPS sa kanilang isinasagawang mga programa at kampanya kontra terorismo kaya nahimok itong sumuko.

Dagdag pa rito, si Boyet ay nagpasyang tanggapin ang mga programang nakapaloob sa mga kampanya at programa ng gobyerno sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC at Enhanced-Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP para sa kanyang kapakanan at ng kanyang pamilya.

Samantala, nagpaalala naman si PCOL ANTONIO C BILON JR, sa mga taong nais magbalik loob sa ating pamahalaan na huwag mag-alinlangang sumuko, sapagkat buong puso silang tatanggapin at handang tulungan ng ating pamahalaan, hindi lamang sila kundi pati na rin ang kanilang pamilya upang makapgbagong buhay at makamit ang ganap na kapayapaan dito sa ating bansa.

Source/photo: CNPPO PIO