Napasakamay ng kapulisan ng Paracale MPS sa pamumuno ni PMAJ JAYSON T MANUEL ang isang lalaking may kasong pangagahasa sa bayan ng Paracale dakong alas 2:00 ng hapon nitong Hunyo 26, 2023.
Kinilala ang akusado na si alias “Onel”, 46 taong gulang, may asawa, isang tindero at residente sa bayan ng Paracale. Inaresto si ONEL sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 21132 na ipinalabas ni Hon. Arnel A Dating, Presiding Judge ng RTC Branch 41 ng Daet Camarines Norte nitong Hunyo 23, 2023. Ang nasabing kaso ay walang nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ayon sa ulat, sapilitang hinalay at minolestiya ng akusado kasama ang kanyang humigit kumulang 9 na kainuman ang isang 29-anyos na babae na kainuman rin nila noong buwan ng Hunyo, taong 2021.
Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng kapulisan ng Paracale para sa kaukulang disposisyon.
“Isa na namang wanted person ang ating nadakip at mabibigyan ng kaparusahan sa kanyang ginawang kasalanan. Huwag po sana kayong matakot magsumbong at huwag magsawang magbigay ng impormasyon sa kinauukulan upang madakip na ang mga taong nay pagkakasala sa batas upang mabigyan ng karampatang kaparusahan at hindi na makagawa pang muli ng panibagong pagkakasala. Ipinababatid rin namin sa lahat ang partisipasyon ng bawat isa sa ating patuloy na pagsasagawa ng Anti-Criminality Campaign upang mapagtagumpayan natin at mapanatili ang isang maayos at tahimik na pamayanan”.-PMAJ MANUEL.
Source/photo: CNPPO PIO