Dakong 9:10 ng gabi nitong Hunyo 26, 2023 nang magkasa ng isang gun buy-bust operation ang mga operatiba ng CIDG Camarines Norte PFU (Lead Unit) kasama ang mga tauhan ng Talisay MPS, at CN 1st PMFC sa Purok 3, Barangay Del Carmen, Talisay, Camarines Norte
Timbog sa operasyon ang suspek na kinilala sa alias BERONG, 33 anyos, isang binata, at residente ng Purok 3, Barangay Del Carmen, Talisay, Camarines Norte. Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:
a. Isang (1) piraso ng kalibre 45 na may trademark TAURUS at Serial Number 119184;
b. Isang (1) piraso ng steel magazine para sa kalibre 45;
c. Isang (1) piraso ng Php 500.00 peso bill na may serial number
BU060550 na nabalutan ng boodle money;
d. Limang (5) piraso ng bala para sa kalibre 45; at
e. Isang (1) piraso ng kulay lila na sling bag.
Isinagawa naman ang operasyon sa presensya ng mga mandatory witnesses.
Ang nabanggit na personahe at ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng CIDG PFU para sa kaukulang disposisyon.
“Ang inyong kapulisan ay hindi titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon dahil isa ito sa mabisang paraan para masawata at matuldukan ang mga gawaing iligal, upang mailigtas ang ating mga kabataan at mapanatili natin ang isang mapayapa at tahimik na bayan ng Talisay-PMAJ DE VERA.


Source/photo: CNPPO PIO