Bandang alas 7:30 ng umaga nitong Hunyo 27, 2023 nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng Paracale mula sa nagngagalang Eva at inireport ang diumano’y insidente ng pagkalunod sa isang balon ng lumang minahan.
Agad naman nagtungo ang kapulisan ng Paracale MPS sa Sitio Buntogin, Brgy. Calaburnay, Paracale, Camarines Norte lugar kung saan nangyari ang insidente at napag-alaman na bandang 5:30 pa ng umaga ng parehong araw nangyari ang trahedya ng pagkalunod ng dalawang lalaki habang nagsasagawa ang mga ito ng discreet exploration sa nasabing balon (old mining pit).
Kinilala naman ang biktima na sina Edgar Mendoza y Avendano, 56 taong gulang, may asawa, isang minero, at residente ng Purok 2 A, Brgy Pinagbirayan Malaki, Paracale, Camarines Norte at si Wilfredo Delos Santos y Aguilar, 33 taong gulang, isang minero, at residente ng Purok 2, Brgy Maybato, Paracale, Camarines Norte. Samantala, bandang alas tres na ng hapon naiahon ang labi ng dalawang lalaki mula sa balon.
Ang labi ng dalawang lalaki ay dinala sa Funeraria Belmonte, Paracale, Cam. Norte para sa pagsasagawa ng post mortem examination.
Agad namang ipinasara ng Paracale PNP ang balon (old mining pit) kung saan nangyari ang insidente.
Source/photo: CNPPO PIO