LALAKING MAY KASONG RAPE IN RELATION TO R.A. 7610 (3 COUNTS), ARESTADO

LALAKING MAY KASONG RAPE IN RELATION TO R.A. 7610 (3 COUNTS), ARESTADO

Napasakamay ng kapulisan ng CIDG Camarines Norte PFU (lead unit) katuwang ang mga tauhan ng Daet MPS, CIDG Batangas PFU, Batangas PIU BPPO, CN1ST at 2nd PMFC at RIU5 PIT Cam Norte ang isang lalaking may kasong pangagahasa dakong alas 9:15 ng hapon nitong Hunyo 28, 2023 sa Barangay 15, Batangas City, Batangas.

Kinilala ang akusado na si alias “AMBEN, 27 anyos, binata, isang panadero at residente ng Barangay Mangkasay, Paracale, Camarines Norte. Inaresto si AMBEN sa  bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape in relation to R.A. 7610(3 counts) sa ilalim ng Criminal Case Nos. 16053, 16054 at 16055 na inisyu ni Hon. Evan D. Dizon, Presiding Judge ng  Regional Trial Court, Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang April 10, 2014. Ang nasabing mga kaso ay walang nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

 Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng kapulisan ng CIDG PFU para sa kaukulang disposisyon.