LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASAKOTE SA ISINAGAWANG BUY- BUST OPERATION SA BAYAN NG VINZONS

LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASAKOTE SA ISINAGAWANG BUY- BUST OPERATION SA BAYAN NG VINZONS

Arestado sa ikinasang buy-bust operation ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ng mga tauhan ng Vinzons MPS sa pamumuno ni PMAJ ARKHEMEDES C GARCIA kasama ng mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit at PDEU (lead unit) ayon sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V, bandang alas 5:45 ng hapon nitong Hunyo 28, 2023 sa Purok-6, Barangay Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si alyas “CHAN”, 36 taong gulang, binata, isang driver at residente ng Brgy Almacen, Unisan, probinsya ng Quezon. Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod:

•Isang (1) piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust item);

•Apat (4) piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu; at (seized item); at

•Isang (1) piraso ng Limandaang piso na may serial number na SX212932.

Ang aktwal na operasyon, imbentaryo, pagmarka at pagkuha ng mga larawan ay nasaksihan ng mga mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media. Tinatayang umaabot sa humigit kumulang 25 gramo ang timbang ng nakuhang pinaghihinalaang iligal na droga na may katumbas na halagang umaabot sa Isang daan at Pitumpung Libong piso( Php 170,000.00).

Samantala, inihahanda na ng kapulisan ng Vinzons MPS ang reklamong kriminal para sa paglabag sa Section 5 and 11, Article II ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa nasabing suspek.

 “Lalo pang paiigtingin ng inyong kapulisan ang kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga bilang pag suporta sa programa ng DILG na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA), upang mas maging maayos ang pamumuhay at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan ng ating komunidad .” – PMAJ GARCIA.

Source/photo: CNPPO PIO