Arestado sa ikinasang buy-bust operation ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ng mga tauhan ng Sta. Elena MPS sa pamumuno ni PCPT ROBERTO FLORES JR ayon sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V, bandang alas 9:30 ng gabi nitong Hunyo 30, 2023 sa Purok-6, Barangay Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si alyas “JO”, 42 taong gulang, may asawa, isang driver at residente ng Brgy Gibanga, Sariaya, probinsya ng Quezon. Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod:
•Isang (1) piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust item);at
•Isang (1) piraso ng Limandaang piso na may serial number na RR 422102.
Ang aktwal na operasyon, imbentaryo, pagmarka at pagkuha ng mga larawan ay nasaksihan ng mga mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media. Tinatayang umaabot sa humigit kumulang 4.3 gramo ang timbang ng nakuhang iligal na droga na may katumbas na halagang umaabot sa Labing-Apat na libong piso( Php 14,000.00).
Samantala, inihahanda na ng kapulisan ng Sta. Elena MPS ang reklamong kriminal para sa paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa nasabing suspek.
“Hindi titigil ang inyong kapulisan sa pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga dito sa bayan ng Sta. Elena dahil hangarin po natin na tuluyan itong masugpo at masupil upang mas maging maayos ang pamumuhay at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng ating pamayanan.” – PCPT FLORES.

Source/photo: CNPPO PIO