LALAKING NAKATALA BILANG RANK 8 MUNICIPAL MOST WANTED SA BAYAN NG LABO, ARESTADO!

LALAKING NAKATALA BILANG RANK 8 MUNICIPAL MOST WANTED SA BAYAN NG LABO, ARESTADO!

Arestado ng kapulisan ng Labo Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ HERCULANO P MAGO JR katuwang ng mga tauhan ng 1st District Provincial Tracker Team ang isang lalaking may kaso at nakatala bilang Rank 8 Municipal Most Wanted Person sa Bayan ng Labo nitong Hulyo 3, 2023 dakong 10:35 ng umaga sa Labo, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si alias “MAC”, 34 anyos, at residente ng Labo, Camarines Norte. Inaresto si Mac sa bisa ng isang warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Leo l Intia, Presiding Judge, RTC, Branch 64 Labo, Camarines Norte na may petsang June 16, 2023 para sa kasong 6 counts of Acts of Lasciviousness in Rel. to Sec 5(B) of RA 7610 sa ilalim ng mga Criminal Case #23-4570, 23-4571, 23-4572, 23–4573, 23-4574 at 23-4575. Ang mga naturang kaso ay may kaakibat na piyansa na nagkakahalaga ng ₱648,000.00.

Ayon sa ulat, minolestiya ng nabanggit na akusado ang kanyang menor de edad biktima sa pamamagitan ng paghawak at paghaplos sa pribadong bahagi ng katawan nito mula Nobyembre, 2017 hanggang Mayo, 2018.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Labo MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon.

        Ang pangkalahatang layunin ng kapulisan ng Labo ay itaguyod ang seguridad, kaayusan, at katarungan sa pamamagitan ng kooperasyon ng taumbayan. Kaya hinihimok namin ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon, pagiging responsable sa pagsumbong ng kriminal, at pagsunod sa mga batas at regulasyon. Sa pagkakaisa ng kapulisan at ng komunidad, makakamtan natin ang layuning gawing mapayapa ang bayan ng Labo at masugpo ang kriminalidad at anumang uri ng pang-aabuso-PMAJ MAGO.

Source/photo: CNPPO PIO