SERBISYONG MEDIKAL AT IBA PA, HATID NG ALAGANG NAY JOSIE SA BARANGAY GUMAUS, PARACALE, CAMARINES NORTE

SERBISYONG MEDIKAL AT IBA PA, HATID NG ALAGANG NAY JOSIE SA BARANGAY GUMAUS, PARACALE, CAMARINES NORTE

Camarines Norte – Bagamat walang sariling pondo patuloy ang pagsusumikap at pag-iikot ni Congresswoman Josie Baning Tallado sa Unang Distrito na sakop nito upang magdala ng iba’t ibang serbisyo at tulong pangkalusugan. Sa pamamagitan ng kanyang programa na tinawag na “𝗔𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘆 𝗝𝗼𝘀𝗶𝗲,” nagkaloob siya ng mga gamot, bitamina at salamin sa mata upang matulungan ang mga mamamayan na may mga pangangailangang medikal.

Ang mga gamot at bitamina na ito ay mahalagang suporta sa pangangalaga ng kalusugan ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ito, naglalayong masiguro ni Congw. Tallado na ang mga mamamayan ng Gumaus, bayan ng Paracale ay may access sa mga pangunahing pangangailangan upang mapanatiling malusog ang kanilang katawan.

Bitbit rin ng Kongresista ang mga salamin sa mata na magsisilbing mahalagang kasangkapan upang maabot ng mga tao ang tamang pangitain at maiwasan ang mga problema sa mata. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salaming ito, maiibsan ang suliranin ng mga taong may mga pangangailangang pangmata.

Hindi rin mawawala ang pinipilahang libreng gupit at hot oil kasama ang libreng tsinelas na marami ang nakinabang.

Sa isang malasakit na pagdalaw na ito nitong nakalipas na Biyernes (Hunyo 30, 2023), layunin ni Congw. Josie Baning Tallado na patuloy na maghatid ng kalinga at serbisyo sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng kanyang “Alagang Nay Josie” program, pinatutunayan niya ang kanyang dedikasyon at pagmamahal sa kapakanan ng mga tao sa kanyang nasasakupan.

Sa patuloy na paghatid ng serbisyong pangkalusugan at kalinga, inaasahan na marami pang mga mamamayan ang makikinabang at magkakaroon ng mas magandang kalusugan.

Ang suporta nina Former Governor Egay Tallado at Board Member Artemio “Bihog” Serdon ay makikita, isang patunay na malaki ang nagagawa ng programang #AlagangNayJosie na dinadala sa mga bara-barangay sa pamamagitan ng direktang tulong sa tao , ang “social services” na tumatatak kay Congw. Josie Baning Tallado.

Source/photo: Rep. Josie Baning Tallado- Camarines Norte