Ang Local Government Unit of Daet sa pamamagitan ng Daet Municipal DRRMO ay nakiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month Celebration ng bansa kasabay ng flag raising ceremony kahapon, July 3, 2023.
Kasama ang mga kawani ng pamahalaang lokal ng Daet at Bureau of Fire ay nagsagawa ng motorcade sa sentro ng Daet upang ipaalam ang kahalagahan at kahandaan sa panahon ng sakuna.
Ngayong araw, July 4, 2023, ay nagkaroon ng mangrove planting sa Brgy.Bagasbas at Brgy.Gubat kasama ang mga kawani ng LGU.
Ang padiriwang ng National Disaster Resilience Month ay para mas mapatatag ang kahandaan ng sambayanan para sa kalamidad.
Ang tema ngayong taon ay “BIDAng Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-being towards Disaster Resilience”.







Photo: Daet MDRRMO