DALAWANG KATAO ARESTADO SA ILIGAL NA SABONGSA BAYAN NG PARACALE

DALAWANG KATAO ARESTADO SA ILIGAL NA SABONGSA BAYAN NG PARACALE

Inaresto ng mga tauhan ng Paracale MPS ang dalawang lalaki dakong 4:20 ng hapon nitong Hulyo 4, 2023 sa Purok 8, Brgy. Gumaos, Paracale, Camarines Norte.

Ang mga naarestong personahe ay kinilalang sina alyas Don-Don”, 38 taong gulang, may-asawa, drayber at residente ng Purok 1, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte at si alyas “Ron-ron”, 35 taong gulang, may-asawa, minero, at residente ng Brgy. Gumaos, Paracale, Camarines Norte.

Naaresto ang dalawang suspek sa kalagitnaan ng pagsasagawa ng anti-illegal gambling operation matapos na maaktuhang nagsasagawa ng iligal na sabong na kilala sa tawag na “Tupada” sa nasabing lugar, habang ang iba pang mga suspek ay nakatakas. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang dalawang (2) patay na panabong na manok na may tari at perang pamusta na umaabot sa ₱550.00.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng nasabing himpilan ang mga naarestong personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source/photo: CNPPO PIO