Kasama sina Vice Mayor Godfrey Parale at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet nanumpa si Marlon Benjamin Bandelaria sa harap ni Governor Dong Padilla noong Lunes, July 2, 2023, bilang kapailit ng kanyang yumaong ama.
Inaasahan na ipagpapatuloy nito ang mga nasimulan ng kanyang ama sa paglilingkod sa bayan ng Daet lalo na sa sector ng urban poor.
Ayon sa umiiral na batas maaaring pumalit na kahalili ng yumaong opisyal bilang kapalit sa kanyang pwesto ang sinuman sa kanyang kapamilya, asawa, anak, kapatid, o kung wala man maaari rin kung sinuman sa kanyang partido.


Photos: Caamarines Norte Provincial Information Office