PAGSISIMULA NG EL NIÑO SA BANSA OPISYAL NANG IDINEKLARA NG PAGASA

PAGSISIMULA NG EL NIÑO SA BANSA OPISYAL NANG IDINEKLARA NG PAGASA

Idineklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño sa bansa. Ang epekto nito ay mararamdaman sa buwan ng Oktubre, ayon sa state weather bureau.

Batay sa rain fall assessment ng PAGASA may mga probinsya na nakararanas ng dry condition tulad ng Isabela at Tarlac habang nga Apayao, Kalinga at Cagayan ay nakakaranas naman ng dry spell.

Nangyayari ang dry condition kapag ang ang isang lugar ay nakakaranas ng mas mababang pag-ulan sa loob ng dalawang magkasunod na buwan, habang ang dry spell naman ay kapag nakakaranas ang isang lugar ng mas mababang pag-ulan sa loob ng tatlong magkasunod na buwan.

Sinabi ng PAGASA na magkakaroon pa rin ng pag-ulan sa buwan ng Setyembre, ngunit sa pagtatapos ng Enero 2024 ay 26 na probinsya na ang makakaranas ng tagtuyot.

Inaasahan na kaunting bagyo lamang ang darating sa bansa ngayong taon, at sa 2nd half ngayong taon ay inaasahan na 14 na bagyo ang darating. Dahil sa kaunting pag ulan inaasahan  na bababa ang supply ng tubig at kuryente.