LALAKING KABILANG SA REGIONAL RECALIBRATED DATABASE ON ILLEGAL DRUGS, NASAKOTE SA ISINAGAWANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN 

LALAKING KABILANG SA REGIONAL RECALIBRATED DATABASE ON ILLEGAL DRUGS, NASAKOTE SA ISINAGAWANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN 

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok-1, Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte. Kinilala ang suspek na si alyas “MANONG”, 51 anyos, may kinakasama, at residente ng nasabing barangay. Ayon sa report, dakong 8:30 ng gabi nitong Hulyo 7, 2023 nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation (Buy-bust) ang mga pinagsanib na mga operatiba ng Jose Panganiban Municipal Police Station, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU), Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU), at Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office V.  

Ayon sa ulat, nakabili ang umaktong poseur buyer sa suspek ng isang (1) pirasong malaking selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “Shabu” (Buy-bust item) kapalit ng isang (1) piraso ng 1,000.00 (real money) at 2,000.00 (Boodle Money) (buy-bust money).

Narekober naman mula sa suspek ang mga sumusunod na ebidensya:

-Isang (1) pirasong pitaka na kulay itim na naglalaman ng tatlong (3) pirasong malalaking selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “Shabu”; at

-Anim (6) na pirasong katamtamang laki na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “Shabu”

Ang tinatayang bigat ng mga nakumpiskang droga ay humigit kumulang 3.1 gramo na may estimated drug price na dalawampu’t isang libo at walumpong piso (Php 21,080.00).

Ang isinagawang operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na binubuo ng mga opisyales ng nasabing barangay at kinatawan ng media.  

Ang nasabing personahe ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon at inihahanda na rin ang kasong isasampa na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban dito. 

“Marami pa po tayong isusunod na mga operasyon kontra iligal na droga kung saan sisiguraduhin natin na mananagot ang sinumang mahuhuli natin. Isa rin itong paalala at banta sa mga durogistang patuloy na nagpapakalat at unti-unting sumisira sa buhay ng mga taong gumagamit nito. May panahon pa po para baguhin ninyo ang inyong mga iligal na gawain at mamuhay ng patas upang mas maging maayos ang inyong pamumuhay at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan ng ating komunidad- PMAJ MANEGDEG.

Source/photo: CNPPO PIO