BABAENG TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASAKOTE SA ISANG BUY-BUST OPERATION, Php340,000.00 HALAGA NG PINAGHIHINALAANG DROGA, NASAMSAM

BABAENG TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASAKOTE SA ISANG BUY-BUST OPERATION, Php340,000.00 HALAGA NG PINAGHIHINALAANG DROGA, NASAMSAM

 Isang 45-anyos na babaeng tulak umano ng iligal na droga ang nasakote ng mga tauhan ng Labo MPS katuwang ang mga operatiba ng CNPIU at CNPDEU ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV sa kanilang ikinasang buy-bust operation dakong 1:00 ng madaling araw nitong Hulyo 9, 2023 sa Purok 1, Brgy Malasugui, Labo, Camarines Norte.

 Ang nabanggit na suspek ay kinilalang si alias BEBS, 45 taong gulang, dalaga, tubong PNR Site, FTI Compound Western Bicutan, Taguig City  at kasalukuyang naninirahan sa Brgy Calasgasan, Daet, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

a)  Isang (1) piraso ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” (buy-bust item);

b)  Anim (6) piraso ng iba’t ibang laki ng selyadong plastik na pakete naglalaman ng hinihinalang shabu;

c)  Isang (1) piraso ng Isang Libong Piso (Php 1000.00) (buy-bust money); at

d) Tatlumput Dalawang (32) piraso ng replica ng Isang Libong Piso (Php 1000.00) (boodle money).

 Tinatayang umaabot sa 50 gramo ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang pinaghihinalaang iligal na droga na may katumbas na halagang Php 340,000.00.

 Samantala, ang pagmarka at imbentaryo nang nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng mga opisyales ng nasabing barangay at kinatawan ng media.

 Ang nabanggit na personahe ay nasa kustodiya ng Labo MPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.