ISA PATAY, ISA SUGATAN SA INSIDENTE NG PANANAKSAK SA BAYAN NG VINZONS

ISA PATAY, ISA SUGATAN SA INSIDENTE NG PANANAKSAK SA BAYAN NG VINZONS

Nitong Hulyo 10, 2023 dakong alas 7:30 ng gabi ng makatanggap ng report ang Vinzons MPS sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen tungkol sa insidente ng pananaksak na naganap sa Purok 6, Sitio Minaogan, Barangay Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Ang mga biktima ay kinilalang si CARMENCITA GADIL y Aguiling, 53 anyos, may asawa at si alias JUN, 48 anyos, binata, isang security guard samantala ang suspek naman ay nakilalang si alias NONO, 53 anyos, may asawa, isang magsasaka, lahat ay residente ng nasambit na lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyong isinagawa ng nabanggit na himpilan, diumano ang biktima ay nasa labas ng kanyang bahay nang bigla itong pinagsasaksak ng suspek na armado ng patalim na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay. Pagkatapos ay inatake din ng suspek si alias JUN na sa mga oras na yun ay naglalakad naman sa kalsada pauwi. Agad namang isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital si Carmencita ngunit idineklarang dead on arrival ng nakatalagang doctor, samantala dinala naman si JUN sa Camarines Norte Provincial Hospital upang magamot.

Agad namang nahuli ang nabanggit na suspek sa ikinasang hot-pursuit operation ng mga kapulisan ng Vinzons MPS. Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ito ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Vinzons MPS upang matukoy ang motibo at dahilan ng pananaksak.

“Ang pagkakahuli sa suspek ay resulta ng magandang pakikitungo sa mamamayan ng kapulisan ng Vinzons dahil na rin sa positibong ugnayan, tiwala, at kumpiyansa sa isa’t-isa. Hangarin namin na maghatid ng tunay na serbisyo publiko sa komunidad na naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at katiwasayan ng lahat-PMAJ GARCIA.