Sa July 13, 2023, magaganap ang Crawl-athlon para sa mga sanggol edad 10- 11 months at Nutri-quiz para naman sa mga buntis at lactating women ito isasagawa sa Daet Heritage Center.
Food Display naman ang magaganap sa July 24, 2023. Lalahukan ito ng 25 barangays, iso-showcase nila dito ang mga produktong matatagpuan sa kani-kanilang mga barangay. Kasabay nito ang Poster Making para sa edad 12 -15 taong gulang, gaganapin ito sa Daet Municipal Covered Court ala-1 hanggang alas-5 ng hapon.
Sa July 25 naman ay magaganap ang Blood Donation Program na gaganapin sa Philippine Army Reserve Covered Court magsisimula ito ng alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Sa hapon naman, magaganap ang Oh My Gulay Challenge sa Daet Municipal Covered Court, ala-1 ng hapon.
July 28 ay magaganap ang Culminating Activity at ang 11th Search for Gng. Nutrisyon sa Daet Municipal Covered Court.
Ang temang “Healthy Diet gawing Affordable for All” ay naglalayon na magkaroon ang lahat ng tamang diet at ehersisyo upang magkaroon ng malusog na pangangatawan.