Camarines Norte – Sa isang malaking hakbang para sa kalusugan ng mga mahihirap na pasyente, muling nakahanap ng bagong pondo si Congresswoman Josie Baning Tallado na nagkakahalagang 35 milyong piso mula sa programang medical assistance ng Department of Health (DOH).
Malaking halaga ang nakuhang ito ng Kinatawan mula sa DOH at sa kasaysayan ng Unang Distrito ng Camarines Norte ay si Nay Josie lang ang nakapagpababa ng malaking pondo hindi lamang sa pampublikong ospital bagkus pati na rin sa pribadong pagamutan.
Sa ngayon, narito ang mga ospital na nilaanan ng bagong pondo:
1. Leon Hernandez Memorial Hospital (Daet) – P5,000,000
2. Dr. Moises Cacawa Memorial Hospital (Daet) – P5,000,000
3. Daet Doctors Hospital (Daet) – P5,000,000
4. Our Lady of Lourdes Hospital (Daet) – P5,000,000
5. Racelos-Tiongson Medical Clinic (Labo) – P5,000,000
6. Lizaso Hospital (Labo) – P1,000,000
7. Bicol Medical Center – P5,000,000 at;
8. P4,000,000 na naka-standby sa DOH upang may magamit namang pondo para sa mga ospital na nasa Metro Manila.
Ang lahat ng ito ay bahagi ng programang #AlangangNayJosie na magbigay ng tulong pinansyal sa mga walang kakayahang pasyente na nangangailangan ng pangangalaga sa kalusugan. Buhay na saksi rito ang kanyang mga kadistrito na nabigyan na ng malaking tulong sa pamamagitan ng MAIPP.
Naipaglaban ng Ina ng Unang Distrito ang makapagpalaan ng pondo ang mga pribadong ospital dahil batid nito na limitado din ang kakayahan ng ating pampublikong ospital at wala ng iba pang mapupuntahan ang iba nating mga kababayan na kulang sa pinansyal kung sakaling puno na o over capacity na ang mga pampublikong pagamutan. Magkakaroon din ng lakas ng loob ang ating mga kababayang kapos sa pondo na tumakbo sa pribadong ospital sa panahon ng emergency dahil alam nila na may pondo dito na naipalagay na tutugon sa kanilang pangangailangan.
Isang patunay na ang mga pondong ito na nakukuha para sa Unang Distrito ay may kalakip na kasipagan at dedikasyon sa trabaho kaya tuloy tuloy ang programa at biyaya para sa ating mga kababayan mapa educational assistance, livelihood assistance, social welfare assistance o medical assistance pa man.
Ipinapakita ng paglalaan ng malalaking halaga ng pondo ni Congw. Tallado sa MAIPP ang kanyang dedikasyon at pagnanais na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga tao sa Camarines Norte, lalo na sa mga nangangailangan ng tulong medikal.
Ang kanyang programa ng medical assistance ay isang malaking hakbang tungo sa pag-unlad ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan at tanging nangyari sa panahon ng kanyang panununkulan bilang Ina ng Unang Distrito, ang makapagdala ng tulong sa bawat isa sa pamamagitan ng “social services.
Sa kabuuan, sa loob ng ikalawang termino nakapagdala na si Congw. Josie Baning Tallado ng halagang 90 Milyong piso na marami na ang nakinabang.

Source/photo: Rep. Josie Baning Tallado- Camarines Norte