LALAKING NAKATALA BILANG RANK 6 REGIONAL MOST WANTED PERSON AT RANK 1 MUNICIPAL MOST WANTED SA BAYAN NG MERCEDES, ARESTADO NG PULISYA

LALAKING NAKATALA BILANG RANK 6 REGIONAL MOST WANTED PERSON AT RANK 1 MUNICIPAL MOST WANTED SA BAYAN NG MERCEDES, ARESTADO NG PULISYA

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan na pinangungunahan ng mga tauhan ng CN CIDT katuwang ang Mercedes Municipal Police Station, CNPPO Tracker Team at  RIU-PIT ang isang binata na may kasong panggagahasa dakong alas 10:00 ng umaga nitong Hulyo 15, 2023 sa isang barangay sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Kinilala ang  akusado na si alyas “Job”, 27 taong gulang, binata at residente rin ng nasambit na bayan. Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong 4 Counts of Rape in Relation to RA 7610 at 2 counts of Statutory Rape in relation to R.A 7610 as amended by R.A. 8353 and R.A. 11648 sa ilalim ng Criminal Case No.22465, 22466, 22467, 22468, 22469 at 22470 na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge ng RTC Branch 5, Family Court,  Daet, Camarines Norte noong  Mayo 10, 2023. Ang nasabing mga kaso ay walang rekomendadong piyansa.

Bago ang pag-aresto, ipinagbigay-alam ng kapulisan ang konstitusyunal na karapatan ng nasabing akusado na kasalukuyang nasa kustodiya na ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.

Ayon sa ulat, nagsimula ang panghahalay ng akusado sa menor de edad na kapamilya nito noong taong 2020 hanggang 2022.

Source/ Photo: CNPPO PIO