Ligtas na nakauwi sa kani- kanilang pamilya ang 9 na mangingisdang napaulat na nawawala matapos pumalaot noong July 11.
Matatandaang noong July 14, maluha luhang dumulog sa tanggapan ng alkalde ang may ari ng bangkang ” MUTYA B” na si Maribel Parzuelo ng Brgy. Talaan Sariaya Quezon para ipabatid na ang 9 kataong lulan ng bangka nila ay nawawala matapos na mag report sa kaniya ang piloto nito na si Joselito Cosejo.
Batay sa salaysay nito, July 11 umalis, para maglaot. Subalit July 12 nasiraan ang makina, dahilan para iwan nang piloto ang bangka para humingi ng tulong sa ibang kasamahan. Subalit sa kasamaang palad hindi agad ito nabalikan dahil ang bangkang dapat mag rescue ay masiraan din.
Kung kayat lumipas pa ang 24 oras bago ito nabalikan sa lugar na iniwanan nya sa Solong Bato subalit wala na sila doon.
Dahil sa pangyayari matapos na maipaalam sa mga kinauukulan PNP, Coastguad, at LGU nag simula na ang Search & Rescue Operation .
July 15, alas dos ng madaling araw umalis ang Coastguard kasama ang ilang opisyal ng LGU at MDRRM lulan ng isang bangka para tahakin ang binanggit na lugar subalit malakas ang dagat kung kayat pansamantalang inihinto.
July 16 narecover ang siyam na tao sa bahagi ng isla ng Butawanan. Narescue sila sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa isang magbobobò. Nakiusap si Jun Calesay ( isa sa mga crew) at isa pa nitong kasamahan na ihatid sila sa barangay na kung saan may signal para maipaalam sa mga kamag anakan nito na naroon sila .
Dahil don , nakipag ugnayan sa coastguard ang mga kamag anak nito kung kayat agad itong napuntahan sa nabanggit na lugar. Matapos ang higit sa apat na oras na bjyahe,
2: 35 ng madaling araw July 17 matagumpay na naidala ito sa Pandawan fishport at agad naman itong inihatid sa Cam. Norte Prvl Hospital para sa kaukulang medikasyon at nakauwi n rin s kanilang pamilya.
Tumanggap ng food packs ang mga pamilya mula sa lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng MSWDO.
Nagpaabot naman ng labis na pasasalamat ang may ari ng bangka sa sama samang pagkilos ng lahat ng mga ahensya at tanggapan para makabalik ng ligtas ang lahat ng mga crew nito.
Source/photo: Municipality of Mercedes – Public Information Office