Nais ipabatid ng DPWH Camarines Norte District Engineering Office sa publiko na magkakaroon ng demolisyon ng boundary marker sa Maharlika Highway sa BRGY.IBERICA, LABO SA JULY 19, 2023 (Miyerkules) at sa BRGY. BAYABAS, LABO SA JULY 20, 2023 (Huwebes).
Kaugnay nito ay magkakaroon ng PARTIAL ROAD CLOSURE sa mga naturang lugar sa nabanggit na mga araw simula alas-8 ng umaga hanggang matapos ang naturang gawain.
Sa kadahilanang partial road closure lamang ay maaari pa rin dumaan sa isang lane ng kalsadang maaapektuhan ng gawain, subalit mayroong mga alternate route na inihanda ang ahensiya para sa mga pangyayaring hindi inaasahan.
Maraming salamat po sa inyong pag unawa.

