Nagsagawa ng search warrant operation ang mga tauhan ng Jose Panganiban MPS sa pamumuno PMAJ HERSON U MANEGDEG, OIC kasama ang mga personahe ng RPDEU, PDEU, and PIU, ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV bandang alas 11:20 ng umaga nitong Hulyo 18, 2023 sa Purok 1, Brgy. Motherlode Jose Panganiban, Camarines Norte kung saan naaresto ang isang lalaki na nakilala bilang si alyas “DEN”, 43 taong gulang, may kinakasama at residente ng nasabing lugar. Siya ay inaresto sa bisa ng search warrant number No. D-16-2023 na ipinalabas ni Hon. Judge Evan D Dizon ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte at may petsang July 13, 2023.
Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:
a. Isang (1) piraso ng kalibre 38 rebolber na may trademark na SHOOTERS na walang serial number at kargado ng tatlong (3) pirasong bala ng kalibre 38;
b. Isang (1) piraso ng hindi selyadong plastik ng pakete na naglalaman ng dalawang (2) pirasong katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu;
c. isang (1) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu;
d. isang (1) piraso na gusot na papel; at
e. isa pang (1) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete naglalaman ng hinihinalang shabu.
Sa kabuuan ay may tinatayang humigit kumulang anim (6) na gramo ng hinihinalang shabu na may street value na umaabot sa Php 40,800.00 ang mga nasamsam na hinihinalang iligal na droga. Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay isinagawa sa presensya ng suspek, mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng mga opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Ang nabanggit na personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.
Ayon naman kay PMAJ HERSON U MANEGDEG, Officer-in-Charge ng nasabing himpilan, “Iisa-isahin nating lilipulin at uubusin ang mga taong nagpapakalat at gumagamit ng iligal na droga dito sa ating minamahal na bayan ng Jose Panganiban upang mas mapanatag ang mamamayan na nakatira at mapanatiling ligtas at mapayapa ang ating pamayanan.
Source/photo: CNPPO PIO