Naaresto ng mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS katuwang ng 1st PMFC ang isang lalaking nakatala bilang Rank 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng San Lorenzo Ruiz dakong alas 10:15 ng umaga nito lamang Hulyo 22, 2023 sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si alyas “Miko”, 25 anyos, at residente ng nabanggit na bayan. Isinilbi sa nasambit na personahe ang warrant of arrest para sa kasong
Acts of Lasciviousness in Rel. to Sec. 5 (B) of RA 7610 na may piyansang PHP180,000.00; Two (2) counts of Statutory Rape defined and penalized under Art. 266-A and 266-B of the RPC as amended by RA 8353 and RA 11648 na walang kaukulang piyansa bawat kaso at 2 counts of Statutory Rape by Sexual Assault defined and penalized under Art. 266-A and 266-B of the RPC as amended by RA 8353 and RA 11648 na may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.00 bawat kaso. Ang mga naturang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Rene Morallo Dela Cruz, Presiding Judge ng RTC Branch 5, Daet, Camarines Norte sa ilalim ng criminal case nrs 22652, 22653, 22654, 22655 at 22656 na may petsang July 20, 2023.
Ayon sa ulat, hinalay at minolestiya ng nabanggit na akusado ang 14-anyos na biktima nito simula taong 2019 hanggang sa taong kasalukuyan.
Samantala, nasa kustodiya na ng himpilan ng San Lorenzo Ruiz MPS ang naarestong personahe para pagbayaran ang salang kanyang nagawa.
Tulungan po tayong lahat sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan ng komunidad at ng mga nagpapatupad ng batas. Kung ang lahat ay sumusunod sa lahat ng pinaiiral na batas at may takot sa Diyos, siguradong nasa maayos ang lahat at mas tiyak natin ang kapayapaan saan mang dako ng lugar dito sa Pilipinas.- PMAJ DE VERA, D.

Source: CNPPO PIO