Bandang alas-9:00 ng gabi nitong Hulyo 24, 2023, nang maranasan ng mga residente ng Barangay Sabang, bayan ng Vinzons ang isang Buhawi na nanalasa sa kanilang lugar.
Matapos matanggap ng kapulisan ng Vinzons ang nasabing impormasyon ay agad itong nakipag-ugnayan sa mga tauhan ng MDRRMO at Coast Guard. Ayon sa unang pagsusuri na isinagawa ng MDRRMO, diumano ay nasa 11 bahay ang lubusang nasira, 63 bahay naman ang bahagyang napinsala, at 14 na mga bangka ng mga mangingisda ang nawasak. Mayroon ding kaunting sira na naitala sa imprastraktura sa nasabing barangay.
Dumalo naman sa pagpupulong na isinagawa ng MDRRMO ang mga kapulisan ng nasambit na himpilan upang talakayin ang insidente ng Buhawi na naganap sa nabanggit barangay.
Samantala, patuloy pa rin ang MDRRMO sa kanilang isinasagawang assessment at pagsusuri sa mga naging pinsala ng buhawi.










Source: CNPPO PIO