LALAKI, ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW AT PAGDALA NG HINDI REHISTRADONG BARIL!

LALAKI, ARESTADO SA TANGKANG PAGNANAKAW AT PAGDALA NG HINDI REHISTRADONG BARIL!

 Dakong alas 2:30 ng umaga nitong Hulyo 24, 2023, isang lalaki na nagngangalang alias Rod, 38 taong gulang, at residente sa Brgy IV, Daet, Camarines Norte ang nagtangkang magnakaw sa bahay ng pamilya Frias na matatagpuan sa Barangay Iraya Sur, San Vicente, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, habang papasok ang nabanggit na suspek sa nabanggit na bahay ay nakita umano ito ng isang residente doon at agad na sinita kung ano ang ginagawa ng nabanggit na suspek sa nasabing bahay. Agad umanong bumunot ng baril ang nasabing lalaki at mabilis na sumakay sa kanyang motorsiklo subalit naharang ito ng isang opisyales ng barangay na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. Narekober sa suspek ang isang hinihinalang kalibre. 45 pistol (Norinco)na  kargado ng steel magazine na may lamang anim na bala.

 Sa ngayon ay nasa himpilan na ng San Vicente MPS ang nasambit na personahe para sa kaukulang disposisyon at para sa paghahanda ng reklamong kriminal laban sa kanya.

Source: CNPPO PIO