Naaresto ng mga tauhan ng Daet MPS katuwang ang mga operatiba ng PTT 2nd District at CIDG PFU ang isang lalaking may kaso bandang alas 4:00 ng hapon nitong Hulyo 25, 2023 sa Purok Bayabas, Barangay Gubat, Daet, Camarines Norte.
Ang naaresto ay nakilala bilang si alayas “AARON”, 60 taong gulang, may asawa at residente ng Purok Atis, Barangay Gubat, Daet, Camarines Norte. Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 22647 na ipinalabas ng Presiding Judge, RTC Branch 5, Daet, Camarines Norte at may numerong July 18, 2023. Ang nasabing kaso ay may kaakibat na piyansa na nagkakahalaga ng P200, 000.00.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng Daet MPS ang nasabing personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO