RANK NUMBER 9 SA REGIONAL MOST WANTED PERSON (RMWP) NG BIKOL, ARRESTADO SA SALANG TWO (2) COUNTS QUALIFIED STATUTORY RAPE

RANK NUMBER 9 SA REGIONAL MOST WANTED PERSON (RMWP) NG BIKOL, ARRESTADO SA SALANG TWO (2) COUNTS QUALIFIED STATUTORY RAPE

Naaresto ang isang lalaki ng pinagsanib na pwersa ng tracker team ng CIDG-CN PFU (lead Unit) kasama ang mga operatiba ng Daet Municipal Police Station, 1st and 2nd PMFC, at RIU5-PIT Camarines Norte ang isang lalaki na ika – 9 sa Regional Most Wanted Person ng Bikol na may kasong Two (2) Counts Qualified Statutory Rape, sa Purok 7, Brgy. V, Daet, Camarines Norte nitong Agosto 02, 2023 dakong 12:10 ng tanghali.

 Ang suspek ay kinilalang si alias Lito, 48 anyos, may kinakasama, isang construction worker at residente ng nasambit na lugar. Si Lito ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Cases Number 22668 at 22669 na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo Dela Cruz, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 5 ng Daet, Camarines Norte na may petsang Hulyo 20, 2023 na walang rekomendadong pyansa sa bawat kasong kinakaharap nito.

 Matatandaan na nitong mga buwan ng Enero at Mayo taong kasalukuyan nang maganap ang panghahalay at pangmomolestiya ng suspek sa anak ng kinakasama nito.

 Samantala, ang nasabing personahe ay nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon at upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

“Ang inyong kapulisan ay hindi titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra kriminalidad sapagkat isa ito sa mabisang paraan upang masawata at matuldukan na ang pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan at upang mailigtas sila sa mga di kanais-nais na gawain at pangmomolestiya. Tulong-tulong tayo na mapanatili ang isang mapayapa at tahimik na pamayanan. Patuloy tayong maglilingkod ng may integridad, maprotektahan lamang ang bayan ng Daet lalo higit ang mga mamamayan nito.” – PLTCOL BON BILLY D TIMUAT.

Source: CNPPO PIO