Dahil sa kinakailangang masuri ang depekto ng Minasag Bridge sa Brgy. San Lorenzo, Sta.Elena, Camarines Norte, ay pansamantalang ipinagbabawal ngayon ang pagdaan ng mga sasakyan na may bigat na anim na tonelada pataas (6 tons above) sa nasabing tulay. Maaari nilang tahakin ang Daang Maharlika-Bagong Silang – Capalonga Road.
Samantala, ang mga sasakyan na limang tonelada pababa (5 tons and below) ang bigat lamang ang maaaring dumaan sa naturang tulay.
PAALALA: Ang Minasag Bridge ay nasa National Secondary Road at ang pansamantalang pagkasara nito ay hindi makakaapekto sa mga sasakyan na daraan sa Maharlika Highway.
Maraming salamat po sa pag unawa.
