Arestado ng pinagsamang tauhan ng Talisay MPS, CIDG Cam Norte PFU (Lead Unit), CN 1st at 2nd PMFC at RIU5-PIT Camarines Norte, ang isang lalaking may kasong panggagahasa at tinaguriang Rank #10 sa Regional Most Wanted Person, Rank #4 Provincial Most Wanted Person at Rank # 5 Municipal Most Wanted Person ng bayan ng Daet, bandang alas 9:50 ng umaga nitong Agosto 3, 2023 sa P-2, Brgy Cahabaan, Talisay, Camarines Norte.
Ang arestado ay nakilala bilang si alyas “MELCHOR”, 22 anyos, binata, helper at residente ng P-3, Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte. Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong two (2) counts of STATUTORY RAPE sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 22681 at 22682, na ipinalabas ni Hon. RENE MORALLO De La Cruz, Presiding Judge, Family Court RTC Branch 5, Daet, Camarines Norte at may petsang July 26, 2023. Ang nasabing kaso ay walang kaukulang piyansa.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang panghahalay ng suspek sa kanyang menor de edad na biktima sa bayan ng Daet noong buwan ng Disyembre, taong 2022.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Talisay MPS ang nasabing arestado para sa kaukulang disposisyon.
Ayon naman kay PMAJ CONRADO R DE VERA, Hepe ng nasabing himpilan, “Ang pagkakahuli ng suspek ay isang tagumpay hindi lamang ng mga kapulisan kundi ng ating komunidad dahil ang mga ganitong klaseng tao ay walang karapatan na pagsamantalahan ang mga kababaihan at upang mapanatili ang kapayapaan dito sa ating probinsya”.

Source: CNPPO PIO