LALAKING MAY KASONG PAG LABAG SA SECTION (5) NG RA 9262, ARESTADO SA BAYAN NG PARACALE

LALAKING MAY KASONG PAG LABAG SA SECTION (5) NG RA 9262, ARESTADO SA BAYAN NG PARACALE

Isa na namang matagumpay na operasyon ang nailunsad ng kapulisan ng Paracale MPS katuwang ang mga tauhan ng CNPIU at PTT 2nd PMFC laban sa mga taong nagtatago sa batas at nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaking may kasong pag labag sa section (5) ng RA 9262 sa bayan ng Paracale dakong 9:30 ng umaga nitong Agosto 4, 2023 sa Purok-4, Barangay Malaguit, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alias ‘’LANDO’’, 63 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing lugar. Inaresto si LANDO sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa section (5) ng RA 9262 sa ilalim ng criminal case no. 2018-18962-MK na ipinalabas ni Hon.Wilfredo E Maynigo, Presiding Judge ng RTC Branch 192, Marikina City na may petsang Hunyo 31, 2019 na may inirekomendang piyansa na P100,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Paracale mps para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO