HIGIT 100 PAMILYA NA NASALANTA NG BUHAWI SA BARANGAY SABANG, VINZONS, BINIGYAN NG TULONG NI REP. JOSIE BANING TALLADO

HIGIT 100 PAMILYA NA NASALANTA NG BUHAWI SA BARANGAY SABANG, VINZONS, BINIGYAN NG TULONG NI REP. JOSIE BANING TALLADO

Handang umagapay si Congw. Josie Baning Tallado katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Vinzons sa pangunguna ni Mayor Nory Segundo para sa higit 100 na mga pamilyang nasalanta ng buhawi sa Barangay Sabang nitong nakalipas na araw.

Bagamat hindi saklaw nito ang Ikalawang Distrito at walang sariling pondo ang kanyang tanggapan ngunit hindi nagdalawang isip ang Kinatawan ng Unang Distrito upang makapaghatid tulong sa nasabing barangay na buhat naman sa kanyang sariling bulsa sa tulong rin ng Team Gawa Foundation.

Naghatid ang #AlagangNayJosie ng iba’t ibang serbisyo katulad ng foodpacks, salamin sa mata, gamot at bitamina, kulambo, container (waterjag), trapal, tsinelas at iba pa.

Ang suporta rin nina 1st District Board Member Artemio Serdon at Former PNP Provincial Director Marlon Tejada ay makikita sa programa.

Sa kabilang banda, lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo at ng mga lokal na residente sa Kongresista at sa #AlagangNayJosie sa walang sawang pagsuporta at pagmamalasakit nito upang maabot ang nasalantang mga pamilya.

Source: Rep. Josie Baning Tallado – Camarines Norte