Sa isang makasaysayang pangyayari, ipinagdiwang ng Barangay Osmeña sa Jose Panganiban ang Blessings at Turn Over Ceremony ng kanilang bagong Health Center, ang proyektong hatid ni Congw. Josie Baning Tallado na nagkakahalagang P5,000,000 milyon.
Sa isang simpleng seremonya, pinasalamatan ng barangay council ang #AlagangNayJosie para sa kanyang dedikasyon at malasakit sa proyektong ito. Ang istrakturang ito ay magbibigay ng mas maayos at komprehensibong serbisyo pangkalusugan sa mga residente ng nasabing barangay.
Sa pangkalahatan, ang bagong Health Center sa Osmeña ay isa na namang konkretong patunay na sinsiro ang paghatid ng de-kalidad na proyekto na hatid ni Congw. Josie Baning Tallado katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Unang Distrito sa programang “Buwis ng Mamamayan, Proyekto Para sa Bayan”.





Source: Rep. Josie Baning Tallado- Camarines Norte